
All set na ang pamahalaan para sa 2025 midterm elections sa Lunes, May 12.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nakalatag na ang lahat para masiguro ligtas at maayos ang Halalan, lalo na ang proteksyon ng mga guro na magsisilbi sa araw na ito.
Batay aniya sa Department of Education (DepEd), magkakaroon sila ng nationwide deployment ng Election Task Force simula sa Linggo, May 11.
Kabilang sa mga tututukan ng task force na magsagawa ng realtime monitoring sa sitwasyon ng mga guro sa buong bansa.
Handa na rin aniya ang pondo para sa honoraria ng mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors, gayundin ang pondo na gagamitin para sa paglilinis ng mga paaralan bago at matapos ang eleksyon.
May nakalaang pondo para sa honorarium ng mga gurong magsisilbi ngayong halalan, gayundin para sa paglilinis at paghahanda ng mga paaralan bago at pagkatapos ng botohan.
Magkakaloob din ng medical assistance sa mga guro, gayundin ang libreng legal assistance ng Integrated Bar of the Philippines at Public Attorney’s Office sa mga guro laban sa anumang harassment at legal threats.
Samantala, pinayuhan naman ni Castro ang publiko na huwag ibenta ang kanilang dignidad sa mga indibidwal na may mga pansariling interes lamang.









