Ilulunsad ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Oplan Byaheng Ayos: Pasko 2018.
Pangunahing pag-uusapan sa launching ang mga Memorandum Circular (MC) na magiging gabay ng transport group kaugnay ng paparating na holiday seasons.
Kabilang sa mga MC sa terms and conditions patungkol sa pagtanggi ng pasahero, pagtanggap ng colorum vehicles sa mga terminal, fare discount, special permits at standard classification and guidelines sa pagtatatag, pagpapanatili at pagpapatakbo ng mga public transport terminal.
Kabilang sa mga dumadalo ay mga organization ng mga provincial busses, taxi operators, mall representatives at heads of security ng malalaking terminal.
Dadalo rin sina LTFRB Chairman Attorney Martin Delgra III, LTFRB Board Member Engineer Ronaldo Corpus, LTFRB Executive Director Attorney Samuel Jardin at iba pang opisiyal ng ahensiya.