Paghahanda para sa Barangay at SK elections sa Disyembre, nagsimula na

Nagsimula na ang Commission on Elections (COMELEC) sa paghahanda para sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Ayon kay COMELEC acting spokesperson John Rex Laudiangco, ongoing na ang mga preparasyon para sa barangay at sk elections sa December 5 batay sa direktiba ng COMELEC en banc.

Sa kasalukuyan, gumagawa na rin aniya ang COMELEC ng implementing resolutions, at naghahanda na sa pagbili ng mga gagamiting ballot paper at iba pang election supplies.


Muli ring sinisilip ng poll body ang health protocols na kailangang ipatupad batay sa pakikipag-ugnayan nila sa Inter-Agency Task Force.

Samantala, mag-uumpisa naman ang voter registration sa July 4 hanggang 30 pero subject for approval pa ito ng en banc.

Nasa mahigit 66 million na botante ang inaasahang makikilahok sa halalan na pipili sa bagong mga barangay officials.

Habang mahigit 23 million naman ang mga rehistrado para sa SK Elections.

Noong 2019, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 na nagpapaliban sa Barangay at SK elections sa December 2022.

Huling nagkaroon ng halalan para sa Barangay at SK Elections noong May 2018.

Facebook Comments