Lisensiya ng nag-viral na tatlong motorcycle rider na walang suot na helmet, kinansela na ng LTO

618

Kinansela na ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng tatlong rider ng motorsiklo na nag-viral matapos na wala itong suot na helmet at iba pang safety gear.

Nakuhanan sa video na gumagamit ng sirena at maliwanag na blinkers ang tatlong rider habang nagpapagewang-gewang sa isang kalsada sa Biñan, Laguna.

Ayon kay LTO Director Clarence Guinto, ipinag-utos na niya na kanselahin ang lisensya ng tatlong ito dahil sa reckless driving, hindi pagsusuot ng helmet, paggamit ng hindi awtorisadong mga plaka at paglalagay ng illegal accessories.


Bukod sa kanselasyon ng lisensiya, pinagmulta rin ng tig P13,500 ang bawat isa sa kanila.

Facebook Comments