Paghahanda para sa ikalawang SONA ni PBBM, sinimulan na ng Kamara

Naglabas na ng advisory ang tanggapan ng House Secretary General ukol sa paghahanda para sa ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Bongbong Marcos (PBBM).

Nakasaad sa nabanggit na alinsunod sa 1987 Constitution ay magbubukas ang Second Regular Session ng 19th Congress alas-10 ng umaga sa July 24 habang alas-4 naman ng hapon naman gagawin ang SONA ng pangulo.

Isang Joint Operation Coordinating Center ang bubuuin na pangungunahan ng House Sergeant-at-Arms katuwang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya na may kinalaman sa seguridad ng SONA 2023.


July 20 pa lamang ay sisimulan na ang lockdown period sa Batasan Complex, sa July 24 ay iiral ang ‘No SONA 2023 ID, No Entry’ at ‘No SONA Car Pass, No Entry’ policy.

Magpapatupad din ng 1 kilometer radius ‘No Fly Zone’ sa palibot ng Batasang Pambansa Complex mula ala-1 ng hapon hanggang ala-7 ng gabi sa nasabing petsa.

Facebook Comments