PNP, suportado ang panawagang magpa-drug test ang baranggay officials

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang panawagang sumailalim sa drug-test ang mga opisyal ng barangay.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PBGen. Red Maranan pagpapakita lamang ito ng magandang halimbawa sa publiko na hindi adik ang mga barangay officials.

Kaugnay nito, sinabi ni Maranan na pinaigting ng PNP ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga opisyal ng baranggay na posibleng may kaugnayan sa iligal na droga.


Layon nitong mapataas ang public awareness sa mga kandidatong sangkot sa iligal na gawain.

Bahagi aniya ito ng mga hakbang para matiyak ang malinis at maayos na Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa nalalapit na October 30.

Facebook Comments