Paghahanda para sa ikatatlong SONA ni PBBM, sinimulan na

Pormal na sinimulan ang paghahanda para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na idaraos sa July 22, 2024.

Sa pamamagitan ito ng pagsasagawa ng unang Inter-Agency Coordination Meeting sa pagitan ng mga opisyal mula sa Kamara, sa pamumuno ni Secretary General Reginald Velasco, kasama ang mga kinatawan mula sa Tanggapan ng Pangulo, Senado, at iba pa.

Tinalakay sa pulong ang mga programa at pagpaplano ng senaryo, room assignments, medical updates, paghahanda sa plenaryo, seguridad, ruta ng trapiko at media coverage.


Ayon kay House Sergeant-at-arms retired Police Maj. Gen. Napoleon Taas, isinasapinal na ang plano sa seguridad para sa aktibidad kung saan magpapatupad ng mahihigpit na protocol at security measures.

Iprinisinta naman ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Head of Special Events Emmanuel Miro ang traffic at deployment plan na kinabibilangan ng ruta ng mga VIP, mga alternatibong ruta at mga operasyon sa pagpapaluwag ng mga lansangan.

Tiniyak naman ni Senate Office of International Relations and Protocol Director General Antonio de Guzman Jr., ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa Kamara at Office of the President para sa ikatatagumpay ng SONA.

Facebook Comments