Manila, Philippines – Nagsagawa na ng consultative meeting ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang ang DPWH, shopping mall operators, water utility at telecom companies para sa inaasahang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila ngayong nalalapit ang Pasko.
Simula November 5 hanggang January 14, 2019:
1. Ang mga shopping malls na malapit sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila ay alas onse na ng umaga magsisimula ang operating hours tuwing weekdays.
2. Magde deploy ng karagdagang security personnel ang mga mall na tutulong sa pagmamando ng trapiko.
3. Kabilang din sa mga napagusapan ang pagaalis ng mga obstructions o balakid sa mga loading at unloading stations sa mga shopping malls.
4. Pagtatakda sa delivery ng mga di nabubulok na produkto tuwing 11pm hanggang alas 5 ng madaling araw.
5. Pagtatakda ng No weekday sale policy
6. At pagbabawal sa mga road works, maliban na lamang sa
emergency cases at flagship projects ng gobyerno.
Ayon kay MMDA Gen Manager Jojo Garcia, inaasahan na nila ang mas malalang trapiko sa habang nalalapit ang Christmas season, kaya’t ngayon pa lamang ay binabalangkas na nila ang mga solusyong maaaring makatulong sa pagpapagaan ng trapiko sa mga lansangan.