TINIYAK | Mocha Uson, tatakbo sa 2019 elections

Manila, Philippines – Tiyak na ang planong pagtakbo sa 2019 elections ng nagbitiw na si Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Gayunpaman, hindi pa matiyak ni uson kung saang posisyon sya kakandidato dahil kukonsultanin pa nya si Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin ni Uson sa kanyang pagtakbo na mabigyan ng boses ang ordinaryong Pilipino.


Diin ni Uson, nakakapikon na kasi kaya kailangan niyang ipaglaban ang pangkaraniwang mamamayan.

Kasabay nito ay iginiit din ni Uson na fake news ang impormasyon na siya ay sinibak ni Pangulong Duterte sa pwesto.

Itinuturing ni Uson na paninira ang nabanggit na report dahil sa nakatakdang pagtakbo niya sa eleksyon.

Facebook Comments