Manila, Philippines – Nagpulong na ang inter-agency para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay House Secretary Atty. Cesar Pareja, pinaghahandaan nila ang worst scenario pero umaasa sila na magiging maayos ang lahat.
Aawitin ng Tagum City Choir ang “Lupang Hinirang” base na rin sa rekomendasyon ni House Speaker Pantaleon Alvarez.
Sabi ni Pareja, nagsimula na ring magpamigay ng imbitasyon, kabilang ang kay Vice President Leni Robredo.
Inihahanda na rin aniya ang holding room ni Robredo sakaling dumalo siya.
Nasa 3,000 ang inaasahang bisita sa SONA kung saan pinakikiusapan silang magsuot ng simpleng damit.
Tatlumpung minuto bago ang SONA ay isasara na ang plenaryo ng Kamara at apat na caterer ang naimbitahan para sa food tasting.
Pinaghahandaan na rin ng house security ang gagawin sakaling lumabas ulit ng batasan pambansa ang Pangulo para makipag-usap sa mga demonstrador.