Paghahanda sa ASEAN Summit 2017, kasado na

Manila, Philippines – Handang-handa na ang buong pwersa ng pamahalaan para sa mga gaganaping aktibidad kaugnay sa 2017 ASEAN Summit sa kalakhang Maynila sa mga susunod na araw.

Kahapon, pinasinayaan ang send-off ceremony para sa mga pulis, sundalo at emergency crews na ipapakalat para magbantay at magbigay ng assistance para sa mga dadalo sa ASEAN Summit, maging sa publiko.

Ayon kay ASEAN 2017 National Organizing Council Director General for Operations Marciano Paynor – sampung heads of state ng ASEAN member countries at dalawang libong delegado ang lalahok.


Naka-abang aniya rito ang security forces para sa pagdating sa Pilipinas ng matataas lider mula sa iba’t ibang mga bansa.

Ipagbabawal na rin ang pagparada ng mga sasakyan sa mga pangunahing kalsada, pinaalis na rin ang mga vendors at bawal na ring maligo sa Manila Bay.

Libu-libong tauhan mula sa security forces ng gobyerno ang inaasahang magbabantay sa ASEAN Summit, na gagawin mula Miyerkules hanggang Sabado (April 26 hanggang 29) sa Philippine International Convention Center o PICC.
DZXL558

Facebook Comments