Paghahanda sa Barangay at SK Elections sa Disyembre, sinisimulan na ng COMELEC

Sinisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang paghahanda sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa December 5, 2022.

Tinukoy ni COMELEC Spokesman Atty. Rex Laudiangco ang administrative at operational preparations, alinsunod sa direktiba ng Commission En Banc kung saan si COMELEC Commissioner Rey E. Bulay bilang Commissioner-in-Charge.

Kabilang sa mga paghahanda na ginagawa na ng poll body ang mga sumusunod:


1. Drafting ng implementing resolutions.
2. Pagbili ng ballot paper at iba pang election supplies.
3. Pagbili ng printing services para sa official ballots, accountable at non-accountable forms.
4. Pagre-review sa health protocols, tulad ng pagpapatuloy na paglalagay ng isolation polling places, sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Task Force (IATF).
5. Posibleng pagdaraos ng voter registration sa July 4 – 30, na pag-aaralan pa ng Commission En Banc.

Ayon sa Comelec, tinatayang 66,053,357 ang projected total number ng registered voters para sa Barangay Elections.

Habang 23,059,227 naman ang projected total number ng registered voters para sa SK Elections.

Facebook Comments