Resolusyon ng IATF sa mandatory na pagsuot ng face mask, mananaig kontra sa kautusan ng Cebu Provincial Government ayon sa DOJ

45

Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mananaig ang resolusyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa mandatory na pagsusuot ng face masks sa loob man o labas ng mga tahanan o establisimyento.

Ang paglilinaw ay ginawa ni Sec. Guevarra kasunod ng Executive Order (EO) ni Cebu Governor Gwen Garcia na nagsasaad na optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa nasabing lalawigan.

Ayon sa kalihim, ang IATF ay binubuo ng cabinet secretaries na nagsisilbing alter egos ng pangulo ng bansa.


At sa ilalim aniya ng Article X Section 4 ng Philippine Constitution, ang presidente ay may general supervision sa local governments.

Facebook Comments