Patuloy ang gagawing paghahanda ng Department of Health (DOH) sa isasagawang clinical trial sa Ivermectin bilang gamot sa COVID-19 kahit wala pang abiso mula sa World Health Organization (WHO).
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, bagama’t naghihintay pa ng ilang datos mula sa WHO ay hindi nito mapipigilan ang nakatakdang trial alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ng kalihim, nakipag-ugnayan na ang Department of Science and Technology (DOST) sa kanilang ahensya at ilang piling ospital na magsasagawa ng nasabing trial.
Posible aniya gawin ang trial sa mga COVID-19 mild cases at sa mga indibidwal na nasa isolation.
Matatandaang una nang ibinabala ng ilang health experts na maaaring magdulot ng brain damage sakaling ma-overdose sa Ivermectin.