Handa na ang lahat para sa pormal na pagsisimula ng misa na isasagawa bago ang gagawing pagpupugay sa Imahe ng Poong Itim na Nazareno.
Ang misa ay para sa pagbabasbas sa mga volunteers o mga tauhan ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na silang magpapanatili ng seguridad sa Quirino Grandstand.
Pangungunahan ni Fr. Jun Sesscon ng Quiapo Church ang nasabing misa.
Nagbigay na rin ng final briefing si Manila Police District (MPD) Director Police Colonel Arnold Thomas Ibay sa mga security volunteers kung saan inulit niya ang paghihigpit sa mga ipinagbabawal na bitbitin ng mga dadalo sa pagpupugay activity.
Nasa 15,000 mga security volunteers ang ipakakalat sa selebrasyon ng Traslacion 2024.
Mula sa 15,000, 5,000 ang ipakakalat sa Quirino Grandstand habang 500 ang magbabantay sa pagsisimula ng pagpupugay.
Oobligahain din ang mga dadalo sa pagpupugay na magsuot ng facemask kahit sa Quiapo Church.