Paghahanda sa Peñafrancia Festival, Malawakan – NCPO

Malawakan ngayon ang ginagawang paghahanda ng Naga City Police Office (NCPO) kaugnay ng darating na Our Lady of Peñafrancia Festival sa susunod na buwan. Ayon sa pahayag ni PSSUPT Jonathan Panganiban, OIC City Director, gaya ng inaasahan, malaking augmentation force mula sa PNP Regional Office 5 ang darating para pangalagaan ang seguredad ng publiko at mantinahin ang kaayusan sa lungsod.

Inaasahang libu-libong mga bikolano, mga panauhin at mga balikbayan ang dadagsa sa Naga City sa darating na buwan upang ipagdiwang ang taunang selebrasyon ng Our Lady of Peñafrancia Festival na siyang tinuturing na pinakamalaki at pinakatanyag na kapyestahan sa Bikol.

Pangunahing tungkulin ng pulisya na mamantina ang kaayusan at katahimikan at para maiwasan ang balakin ng mga masasamang elemento na gumawa ng karahasan sa gitna ng halos 2 linggong pagdiriwang. Idinagdag pa ni Panganiban na mayroong sapat na bilang ng pulis na magpapatrolya sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod lalo na sa mga matataong lugar tulad ng mga simbahan, malls at iba pa.


Ilan sa mga major activities ng Peñafrancia Festival ay ang sumusunod:
September 6 – Miss Bicolandia
September 8 – Traslacion Procession
September 16 – Fluvial Procession
September 17 – Feast Day of Our Lady of Peñafrancia
Para sa karagdagang impormasyon, maari po tayong magbasa sa nagacitydeck.com

-Kasama mo sa Balita, Grace Inocentes, Tatak RMN!

Facebook Comments