Manila, Philippines – Handang-handa na ang pulisya sa lungsod ng Pasay para isasagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Mayo 14.
Ayon kay Pasay City, Chief of Police Senior Superintendent Noel Flores, humigit kumulang 662 tauhan ang kanilang itatalaga sa mga itinakdang polling precincts.
Partikular nilang babantayan ang 201 barangay mula sa dalawang distrito ng lungsod ng Pasay.
Sinabi pa ni Flores, wala naman barangay sa lungsod na maitinuturing na election areas of concern.
Tututukan din ng mga otoridad ang anti-criminality, covert, road securtiy, rapid deployment at delivery at transport of official ballots at election return.
Nagtalaga din ng Station Election Monitoring Action Center sa bawat istation para imonitor ang galaw ng kanilang mga tauhan sa kabuuan ng eleksyon.
Madilim pa kanina ay katuwang na ng mga guro at COMELEC ang mga pulis sa pag distribute ng mga election materials mula sa treasurers office papunta sa mga pampublikong paaralan na magsisilbing polling centers kung saan boboto ang ating mga kababayan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.