Manila, Philippines – Bumuo ng special team si Pangulong Rodrigo Duterte para sanayin ang mga pulis para hindi maging biktima ng Special Partisan Unit (SPARU) ng New People’s Army (NPA).
Ito ang kinupirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa.
Ayon kay Dela Rosa nagpapatuloy ngayon ang kanilang re-orientation sa mga tauhan nila na nakatalaga sa field upang matutunan kung paano mag-ingat kontra SPARU.
Tinitiyak niyang kapag sumailalim ang isang pulis sa anti-SPARU operations ay hindi ito magiging biktima ng SPARU at matutunan ang modus operandi ng grupo.
Aniya ang binuong special team ay binubuo ng mga retired police officers na partikular na nagsasanay sa mga pulis na kulang ang exposure sa insurgency.
Ang special team aniya ay nagiikot ngayon sa mga police regional offices para sa reorientation.
Batay sa rekord ng PNP simula January 2017 hanggang March 22, 2018 ay 56 na pulis na ang nasawi dahil sa pagatake ng SPARU.
Marami sa mga nasawi ay nasa Region 11, pumapangalawa ay sa Region 10.