PAGHAHANDA | Zero-casualty sa panahon ng bagyo o malalakas na pag-ulan, ipinatitiyak sa mga LGUs

Manila, Philippines – Kailangang magpatupad ng kaukulang paghahanda at gawing zero-casualty sa panahon ng bagyo o malalakas na pagulan ang mga Local Government Units (LGUs) sa bansa.

Apela ito ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga governors, mayors at punong barangays.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, ang pagkamit ng zero-casualty o walang nasawi sa panahon ng kalamidad ay isang ultimate barometer ng epektibong paghahanda na napatunayan na ng manalasa ang bagyong Jolina noong nakalipas na taon at bagyong Chedeng noong 2015.


Binigyang diin ng DILG Chief na kritikal ang papel na ginagampanan ng local chief executives na pangunahan ang preemptive actions sa kanilang nasasakupan para maging disaster-ready community.

Base sa Memorandum Circular No. 2018-73, inaatasan ng DILG Chief ang mga local government heads na i- convene ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMC) at magpatupad ng pre-disaster risk assessments sa mga lugar na may banta ng mga pagbaha o flashflood at landslide.

Dapat ding repasuhin, at i-update ang kanilang contingency plans para sa hydro-meteorological hazards at suriin kung sapat na ang local preparedness measures.

Facebook Comments