Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na dahil sa mga hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte ay madaragdagan na ang mga Telecom Players sa bansa na nagbibigay ng mas mabilis na Internet Service sa publiko.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, pinayagan na ni Pangulog Duterte ang China na magpasok ng isa pang telecommunication Company sa Pilipinas sa naganap na Bilateral meeting ni Pangulong Duterte at Chinese Premier Li kequiang.
Bukod pa aniya ito sa nilagdaan ng Pilipinas na kasunduan sa affiliate ng Facebook o ang Luzon Bypass ng Pacific Light Cable Network na magbibigay ng mabilis na internet Service sa bansa o two terabits na kasing bilis ng pinagisang kapasidad ng Globe at Smart.
Dahil aniya sa mga development na ito ay matitibag na ang tinatawag na “duopoly” ng kasalukuyang telecommunication companies sa bansa at madaragdagan na ang mapagpipilian ng publiko na service provider.
Isinisi naman ng Malacanang kay dating Information and Communication Secretary Rodolfo Salalima kung bakit hindi napaaga ang pagpasok ng iba pang telecommunication companies sa bansa at ito aniya ay dahil ito sa conflict of interest ng dating kalihim.
Paghahari ng dalawang telecommunication company sa bansa, mabubuwag – Malacañang
Facebook Comments