Paghahati sa Maguindanao isinusulong

Nagpapatuloy ang pagsisikap at mga inisyatiba ni Maguindanao 1st District with Cotabato City Representative Bai Sandra Sema sa panukalang paghahati ng Maguindanao.

Sinasabing tatlong dokumento na lamang ang inaayos upang tuluyang lumarga na at mapag usapan sa komite ayon kay Representative Sema sa panayam ng DXMY .Naglalayon ang paghahati na lalo pang mapabuti ang pamumuhay ng mga taga Maguindanao.

Sakaling maaprubahan bubuuin ng 13 ng munisipyo ang bagong lalawigan na karamihan ay nagmumula sa 1st District na kinabibilangan ng Datu Odin Sinsuat, Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Matanog, Barira, Buldon, Mother at Northern Kabuntalan, Upi , South Upi at di pa napapangalang dalawang bayan. Inaasahang tatawaging “Northern Maguindanao” ang itatayong lalawigan.


Umaasa ang kongresista na papaburan ang kanyang panukala bago paman magtapos ang kanyang termino sa 2019. Kaugnay nito kapwa nagpaabot na ng suporta ang mga opisyal ng lalawigan sa planong paghahati sa Maguindanao.

Facebook Comments