Paghahatid ng bakuna ng PAF, hindi naapektuhan nang nangyaring pagbagsak ng chopper sa Bohol

Walang epekto sa operasyon ng Philippine Air Force (PAF) ang paghahatid ng bakuna sa iba’t ibang panig ng bansa, ito ay matapos na bumagsak ang isa nilang helicopter sa Bohol kamakalawa.

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Lt. Col. Maynard Mariano, nagpapatuloy ang pagtupad ng Air Force ng kanilang tungkulin na tumulong sa paglaban sa pandemya, kahit na grounded ngayon ang lahat ng kanilang MD520 helicopters dahil sa insidente.

Sinabi ni Mariano, standard operating procedure na hindi muna paliparin ang buong fleet ng isang aircraft na nasangkot sa aksidente habang iniimbestigahan ang dahilan ng pagbagsak.


Anim aniya ang kanilang MD520 helicopter at 40 taon nang nasa serbisyo ang mga ito.

Ang MD520 helicopter na bumagsak ay nag-take off mula sa Cebu para sa isang routine maintainance flight nang mag-crash landing ito sa baybayin ng Jetafe, Bohol nitong Martes ng umaga.

Patay ang piloto, habang nagpapagaling na ang co-pilot at dalawang crew.

Facebook Comments