Listahan ng iba pang industriya at negosyo na papayagang magbukas sa ilalim ng MECQ, nakatakdang ilabas ng IATF

Nakatakdang magpalabas ang Inter-Agency Task Force ng listahan ng iba pang industriya na papayagang magbukas sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, bagama’t mananatli ang MECQ sa Metro Manila at apat na karating lalawigan, naintindihan nila na kailangan nang bumalik ang mga manggagawa sa kanilang hanapbuhay.

Bunsod nito, sinabi ni Roque na pinaplansta na ng IATF ang listahan ng mga industriya at negosyo na pwede nang magbukas.


Magiging gradual aniya ang reopening upang matiyak na mahigpit na naipatutupad ang mga health protocols upang hindi na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, nilinaw ni Roque na bawal pa rin ang mga non-essential movement tulad ng mass gatherings at dining sa mga restaurant.

Facebook Comments