Paghahatid ng serbisyong medikal sa taumbayan, mapapariwara kung hindi mabayaran ng PhilHealth ang utang sa mga ospital

Ibinabala ni Senator Grace Poe ang posibilidad na mapariwara ang paghahatid ng serbisyong medikal sa taumbayan, lalo na sa mga mahihirap.

Ayon kay Poe, ito ay kung hindi pa mababayaran ng Philippine Health Insurance Association (PhilHealth) ang mga pagkakautang nito sa mga ospital.

Nakakabahala para kay Poe ang nakaambang pagkalas ng ilang mga pagamutan na signos ng unos sa sistema.


Giit ni Poe, hindi na dapat magpatumpik-tumpik pa ang PhilHealth sa obligasyon nitong magbayad kaagad para sa ikaaayos ng pangangalaga natin sa kalusugan ng mamamayan.

Diin ni Poe, mahihirapan ang mga ospital kung mapipilitan silang mag-abono lagi o mabaon sa pagkakautang habang hinihintay nila ang kabayaran ng PhilHealth.

Ayon kay Poe, hindi dapat ma-hostage ng burukrasya at kawalan ng tugon ng gobyerno ang ating sistemang pangkalusugan.

Facebook Comments