Pagharang sa On-Site COVID-19 Test Kit ng DOH, FDA at RITM ikinadismaya ng Filipino League of Advocates for Good Governance

Dismayado ang grupong Filipino League of Advocates for Good Governance matapos na hinaharang umano ng Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at ng Research Insitute for Tropical Medicine (RITM) ang kritikal na COVID-19 On-Site test kit na ginagamit sa China, South Korea, Taiwan at ngayon ay sa Europa.

Ayon kay Ed Cordevilla Presidente ng Filipino League of Advocates for Good Governance, ang On-Site test kit na ito na aprubado ng China FDA at CDC, pasado sa CE Mark Standard ng Europa, nasertipikahan naman ng FDA ng South Korea at Taiwan ay ipinagkakait umano ng pamahalaan sa mga mamamayang Pilipino.

Paliwanag ni Cordevilla ang aprubado lamang sa gobyerno ngayon ay ang PCR Covid-19 Testing Method na nangangailangan ng Laboratoryo, at sa ngayon limang Laboratoryo sa bansa ang nagsasagawa nito.


Giit ni Cordevilla matagal ang resulta sa PCR Method na umaabot ng 2 hanggang 4 na araw samantalang sa On-Site Testing o Lateral Method ay 15 minuto lamang, bukod pa sa may kamahalan ang PCR method kumpara sa presyo ng on-site testing na rekomendado para sa mass COVID-19 Testing.

Facebook Comments