Manila, Philippines – Bahagi lamang ng ipinatutupad na security protocol ng NAIA, Bureau of Immigration at Armed Forces of the Philippines ang nangyaring pagharang sa pitong pasahero sa NAIA terminal 3 kanina.
Ito ang naging paliwanag ni AFP Public affairs office Chief Marine Col. Edgard Arevalo.
Aniya, una na silang nagsumite ng mga pangalan na nakalagay sa arrest order na inilabas ng Department of National Defense sa Bureau of Immigration at mga nakatalaga sa pagbabantay sa mga pantalan at paliparan.
Ito ay upang mas mabilis na maaresto ang mga nasa listahan ng arrest order kung saan makikita ang buong pangalan at larawan ng mga suspek sa nangyaring gulo sa Marawi City.
Sa ngayon ang BI aniya ang magdedetemina kung totoong kabilang sa Maute Terror Group ang pitong mga hinarang na pasahero.
Kinakailangan lamang daw itong i-match sa arrest order na hawak nila at kung mapapatunayang wala silang kinalaman sa Marawi crisis ay ay agad silang pakakawalan.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558