Pagharang sa Social Aid Fund ng OVP, tiniyak ni Rep. Castro

Tiniyak ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro na haharangin nila ang hinihinging pondo para sa susunod na taon ng Office of the Vice President (OVP) lalo na ang nakalaan sa social aid.

Sabi ni Castro, hindi pwedeng payagan na maglaan ng hiwalay na budget para sa social services sa isang opisina na may kaduda-dudang track record.

Si Castro ay sang-ayon sa posisyon ng iba pang mga kongresista na kasapi ng House Committee on Appropriations na ang budget para sa mga serbisyong panlipunan ay dapat idirekta sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at hindi ilaan nang hiwalay sa OVP.


Diin pa ni Castro, hindi na rin dapat pagkatiwalaan ang kaduda-dudang record ng paggasta ni Vice President Sara Duterte, kung saan una ng iniutos ng Commission on Audit (COA) na isoli ang ₱73 million na confidential funds na hindi pinahintulutan dahil sa hindi tamang paggasta.

Facebook Comments