Paghihigpit ng requirements sa mga nag-aapply na pulis, suportado ng Malacañang

Suportado ng Malacañang ang paghihigpit ng requirements sa mga nais pumasok sa Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro na mula noon ay strikto naman ang Pambansang Pulisya sa pagtanggap ng mga aplikasyon sa pagkapulis.

Pero may ilang pagkakataon lang aniya na kung kailan nasa kalagitnaan na ng serbisyo ang isang pulis ay tsaka lumalabas ang mga problema sa kanya.


Pahayag ito ng Palasyo matapos kasuhan ng inciting to sedition ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang police vlogger na hayagang nagsalita laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at gobyerno.

Sabi ni Castro, lumabas sa records ng PNP na dati nang nakitaan ng problema sa kalusugan ang nasabing pulis, na pinayagan pa ring bumalik sa trabaho matapos bumuti ang kondisyon.

Kahapon ay ipatawag ng pangulo sa Palasyo si PNP spokesperson Brigadier Gen. Jean Fajardo, pero hindi pa tiyak kung pag-uusapan ang kaso ng nasabing pulis.

Facebook Comments