Ituring na umanong prayoridad ng mga pamunuan ng bawat government-run hospitals sa Pangasinan ang paghihigpit at pagkontrol sa seguridad sa bisinidad ayon sa ibinabang direktiba ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ang naturang hakbang ay tugon sa agam-agam ng publiko matapos ang insidente ng tinangay na sanggol sa Lingayen District Hospital nitong Setyembre.
Nakasaad sa kautusan ang tungkulin ng mga Chief of Hospital na timbangin ang kasalukuyang security protocols sa nasasakupan at alamin ang kahinaan na dapat tutukan upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasyente, bisita at staff.
Dapat mayroon ding gumaganang CCTV cameras sa lahat ng high-risk zones,at kaukulang pagrequest ng ospital kung may kakulangan, maging ang pagdedeploy ng sapat na gwardya sa mga entry at exit points at pagpapatrolya lalo sa peak hours at night shift.
Iniutos din na dapat ay pamilyar ang mga kawani sa anumang emergency protocols tulad ng hospital lockdown at evacuation.
Layunin ng direktiba na panatilihing maging ligtas na lugar ang mga ospital. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









