Paghihiwalay sa mga indibidwal na nabakunahan na, ikinabahala ng DOH

Ikinabahala ng Department of Health (DOH) ang rekomendasyong magkaroon ng ‘segregation’ sa mga indibidwal na nabakunahan na at sa hindi pa.

Kasunod ito ng mungkahi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion nitong Biyernes na paghiwalayin sa isang lugar ang mga bakunado na at hindi.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, posibleng magkaroon ng isyu sa karapatang-pantao kung paghihiwalayin ang mga indibidwal.


Mas mainam pa rin aniya na sumunod na lamang sa minimum health standards para maiwasan ang hawaan kaysa magkaroon ng segregation.

Maliban kay Vergeire, tumutol din si Department of Trade and Indusry (DTI) Secreatry Ramon Lopez sa mungkahing “segregation” dahil ayon dito maituturing na diskriminasyon ang gagawin at hindi ito magiging katanggap-tanggap.

Wala namang nakikitang masama sa naturang konsepto si OCTA Research fellow Guido David pero dapat ay may sapat nang suplay ng bakuna.

Facebook Comments