PhilHealth, nakapagbayad na ng 79 percent hospital claims

Nakapagbayad na ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng aabot sa 79 percent o P6.3 billion hospital claims.

Ayon kay PhilHealth Vice President for Corporate Affairs Shirley Domingo, sa pamamagitan ito ng debit-credit payment program para sa 206 health institutions.

Nasa P5.5 billion naman ang ibinigay na kabayaran sa Philippine Red Cross (PRC) bilang kabayaran sa pagsasagawa ng COVID-19 test.


Sa ngayon, wala pang tugon inilalabas na pahayag si Domingo at PRC Chairman at Senator Richard Gordon kung magkano pa ang balanse ng PhilHealth sa PRC.

Facebook Comments