Paghikayat na Mangibang Bansa, Hindi Polisiya ng POEA

Cauayan City, Isabela – Ito ang tinuran ng DOLE Undersecretary Atty Bernard P. Olalia, pinuno ng POEA at Vice Charman ng Department of Labor and Employment o DOLE sa presss conference na ginanap sa unang araw ng ika-labinpitong Public Employment Service Office o PESO Congress dito sa Cauayan City.

Eto ay kadugtong sa kanyang kasagutan sa tanong ng RMN News Team kung ano ang ginagawa ng pamahalaan para mabawasan ang mga Pilipinong umaalis sa bansa na umaabot ang bilang sa lima hanggang anim na libo kada araw.

Sa kanyang paliwanag ay kanyang sinabing marami ang mga ginagawa ng pamahalaan para makapagbigay ng trabaho gaya ng reintegration services at iba’t ibang employment facilititation na ginagawa ng DOLE at ibang ahensiya ng pamahalaan.


Sa isyu ng negatibong epekto ng mga magulang na iniiwanan ang anak at pamilya para lamang mangibang bansa, ipinaliwanang ni USEC Olalia na hindi nila hinihikayat ang pangingibang bansa ngunit hindi rin naman nila ito ipinagbabawal.

Kanyang sinabi na sa panig ng POEA at OWWA ay tinutulungan ang mga Pilipinong nagkakaproblema sa ibang bansa. Kasama na rito aniya ang proteksiyon na kanilang ibinibigay kontra sa mga illegal recruiters.

Magpagayunpan, ay kinikilala niya ang sitwasyon na may negatibong epekto ang paghihiwalay ng magkakapamilya makahanap lamang ng trabaho sa ibang bansa na mas mainam sana kung may trabaho sa Pilipinas at hindi na kailangang hihiwalay sila sa kanilang mahal sa buhay.

Si Atty Olalia ay kasama sa mga national officials ng PESO at DOLE na narito ngayon sa Cauayan Isabela para sa tatlong araw na pambansang pagtitipon ng mga opisyales at managers ng PESO.

Sila ay sinalubong ng mga matataas ng opisyales ng Isabela sa pangunguna nina Isabela Governor Bojie Dy at Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy.

Kasama din sa mga opisyales na dumalo sa unang araw ng 17th PESO National Congress ay sina Davao City 1st District Congressman Karlo Nograles, Chairman ng Committee on Appropriations at Cagayan 3rd District Congressman Randolph S Ting, Chairman ng House Committee on Labor and Employment.

Umaabot sa 932 ang mga naitalang kalahok sa PESO Congress batay sa impormasyong ibinahagi ng DOLE Region 2

Facebook Comments