Nagkasundo ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan na nagtutulak na maamyendahan ang Konstitusyon na alisin ang ilang economic provisions na nagpapabagal sa pagpasok ng dayuhang pamumunuhan sa bansa.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ang ginagawang konsultasyon at dayalogo ng House Committee on Constitutional Amendments ay nakatuon sa layuning humikayat ng mas maraming mamumuhunan.
Sabi ni Romualdez, ito ay para mapasigla ang ating economic activities, makakuha ng mas maraming trabaho, mabawasan ang kahirapan at mapababa ang presyo ng mga bilihin at serbisyo.
Facebook Comments