Inihayag ni Presidential Communication Sec. Martin Andanar na pwedeng humingi ng military assistance ang Pilipinas sa Russia o China para matigil na ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas sa Estados Unidos.
Ayon kay Andanar, kung poprotektahan ng pangulo ang Pilipinas ay kailangan nitong humingi ng military assistance sa Russia o China na isang malalakas ding bansa.
Dagdag pa ni Andanar, kadalasang sumasandal sa US ang mga nakalipas na administrasyon ng bansa kaya kung gusto nitong maging independent country ang Pilipinas ay kailangang itigil na nito ang pagsandal sa US.
Facebook Comments