Paghingi ng “saklolo” sa bakuna ng LGUs kay Robredo, hindi pamumulitika – Solon

Walang nakikitang masama si Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kung humingi man ng assistance ang mga Local Government Units (LGUs) sa Visayas at Mindanao kay Vice President Leni Robredo para mapalawig sa rehiyon ang kanyang programang COVID Vaccine Express.

Ayon kay Rodriguez, ang kapakanan ng mga residente ang prayoridad at hindi dapat pairalin ang pulitika.

Aniya, nagpasaklolo na siya sa Express o Drive Thru Vaccine Initiative ni Robredo sa Office of the Vice President para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga probinsya lalo na’t nasa 70,000 pa lamang ang nababakunahan sa Cagayan de Oro.


Taliwas naman ang pananaw ni Rodriguez sa nauna nang naging pahayag ni Davao City Mayor Sarah Duterte kung saan matatandaan na minasama ni Mayor Duterte ang suhestiyon ni Robredo na gayahin ng Davao City ang COVID-19 approach ng Cebu City.

Ayon kay Robredo, mas malaki ang populasyon ng Quezon City subalit nangunguna ang Davao City sa mga LGUs na may mataas na naitatalang kaso ng COVID kada araw.

Nauna nang pahayag ni Mayor Duterte kung saan tinuran pa nito na kulang sa pang-unawa at kaalaman si Robredo at walang maitutulong para maresolba ang problema.

Facebook Comments