Paghinto sa bangayan ng mga mambabatas, tanging si PBBM lang ang makagagawa- Sen. Escudero

Iginiit ng isang senador na tanging si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., lamang ang makapagpapahinto sa bangayan ng mga senador at mga kongresista.

Muling umapela si Senator Chiz Escudero kay Pangulong Marcos na rendahan at itali muna niya ang kanyang pinsan na si Speaker Martin Romualdez dahil ang mga ginagawa nito ay nakakaapekto na sa kanyang administrasyon.

Ayon kay Escudero, nakita naman na ang mga mapanganib na maaaring gawin ni Romualdez kapag hinayaan itong gawin ang mga gusto.


Aniya pa, hinihimok ni Pangulong Marcos ang dalawang kapulungan ng Kongreso na mag-ceasefire pero kung ang sarili nitong pinsan at kaalyado ay hindi makikinig, papaano naman susunod ang ibang mambabatas na hindi kaanak o walang kaugnayan sa presidente.

Binigyang-diin ni Escudero na si Pangulong Marcos lang ang makapagpapatigil sa nangyayaring gulo upang sa gayon ay makausad at makapag-focus na ang mga mambabatas sa mas mahahalagang bagay na mas kailangan ng bansa at ng mga Pilipino.

Facebook Comments