Paghuhukay at pagkukumpuni sa mga kalsada sa Metro Manila, ititigil muna ng MMDA bilang paghahanda sa darating na Kapaskuhan

Manila, Philippines – Ipatitigil na muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang paghuhukay at pagkukumpuni sa mga kalsada sa Metro Manila.

Ito ay bilang paghahanda sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa darating na Kapaskuhan.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jose Antonio Garcia Jr. – epektibo ang pagpapatigil sa paghuhukay at pagkukumpuni ng mga kalsada simula November 1 hanggang January 15, 2018.


Sumang-ayon na rito ang Department of Public Works and Highways, mga telecommunications company at iba pang mga pribadong kumpanya.

Facebook Comments