Paghuhukay sa Masungi Georeserve, kinondena ng isang kongresista

Mariing kinondena ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro ang mga drilling activity sa Masungi Georeserve sa lalawigan ng Rizal para sa planong pagtatayo ng wind energy farm.

Giit ni Castro, magdudulot ito ng malaking banta sa kapaligiran na maglalagay sa panganib sa lokal na mga uri ng ibon, paniki at sa ecosystem.

Babala pa ni Castro, maaari itong magresulta sa mawalakang pagbaha katulad ng nangyayari ngayon sa Mindanao.


Bunsod nito ay umaapela si Castro sa pamahalaan na bawiin ang pahintulot o permit sa naturang wind energy project na itinatayo ng Rizal Wind Energy Corp. sa loob ng pinangangalagaang lugar.

Isinulong din ni Castro na magsagawa ng imbestigasyon ang Kamara ukol sa nabanggit na proyektong tiyak magdudulot ng pinsala sa lugar na libong taon pa ang bibilangin bago muling maibalik sa dating anyo.

Facebook Comments