Paghuli sa mga Maingay na Motor sa Cauayan City, Sisimulan na sa Lunes!

Cauayan City, Isabela – Sisimulan na sa Lunes ang paghuli sa mga maingay na motor sa lungsod ng Cauayan lalo na sa gabi na nakaka-istorbo sa pagtulog ng mga Cauayeños partikular sa Rizal Avenue, Cauayan City.

Ayon kay Police Senior Inspector Randy Joseph Carbonel, ang Traffic Patrol Officer ng Cauayan City Police Station na mayroong ordinansa ang city government na bawal ang pagpapatakbo ng mga maiingay na motor sa lungsod ng Cauayan.

Sa katunayan umano ay nag-umpisa na kagabi ang pagsita sa mga may-ari ng maingay na motor ngunit disiminasyon muna ang ginawa ng kapulisan hinggil sa mahigpit na pagpapatupad ng Anti-Muffler Modification Ordinance.


Ipinaliwanag pa ni Police Senior Inspector Carbonel na matagal nang ipinapatupad ng kapulisan ang paghuli sa mga maiingay na motor ngunit nahihirapan lamang umano ang mobile car ng PNP na habulin ang umanoy mga pasaway na motorista.

Ngunit nangako naman ang nasabing opisyal na gagawan nila ito ng paraan upang mawala narin umano ang reklamo ng mga Cauayeños.

Samantala, kasabay na ipapatupad ang paghuli sa mga motorista na gumagamit ng led light na isa sa dahilan ng aksidente sa daan.

Facebook Comments