Paghusay ng internet connection sa Pilipinas, asahang matutupad sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Marcos Jr.

Asahan na sa lalong madaling panahon ay matutupad na ang paghusay o pagbilis ng internet connection sa Pilipinas.

Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., matapos ang kanyang pulong sa Malacañang kina Converge Founder and CEO Dennis Anthony Uy at Keppel Telecommunications and Transportation Inc., CEO and Executive Director Thomas Pang Thieng Hwi.

Sabi ni Pangulong Marcos, kanilang napag-usapan na maisama ang Pilipinas sa Bifrost Cable System Project na pinakauna sa buong mundo na subsea cable system.


Magkokonekta ito sa Singapore hanggang sa west coast ng North America at dadaan sa Indonesia, Pilipinas at Guam.

Facebook Comments