Puganteng nagtago ng 7 taon dahil sa kasong murder, timbog ng PNP

Matapos magtago ng 7 taon ay nadakip ng Philippine National Police (PNP) ang murder suspek sa kanyang hide out sa Barangay Ginalinan Viejo, Dingle, Iloilo.

Sa ulat ni Police Brigadier General Leo Francisco sa Kampo Krame, kinilala nito ang suspek na si Rebino Blanza Jr., 22 taong gulang at tubong Lupao, Nueva Ecija.

Matapos ang ilang buwang surveillance, isinilbi ng mga awtoridad ang Warrant of Arrest laban sa suspek dahil sa kasong murder na inisyu ni Judge Leo Cecilio Bautista ng Third Judicial Region, Regional Trial Court Branch 38, San Jose City, Nueva Ecija.


Nabatid na No. 9 Regional Most Wanted Person si Blanza at mayroon itong ₱135,000 na patong sa ulo.

Nag-ugat ang kaso nito makaraang patayin ang biktima na si Henry Comadre isang beautician habang sila ay nag-iinuman noong June 11, 2015.

Sa ngayon, nasa kustodiya na si Blanza ng Iloilo Police Office para sa documentation at hinihintay na lamang ang Commitment Order mula sa korte.

Facebook Comments