Pagiging apologetic ng Pangulo sa China, hindi totoo – DFA

 

Pinasinungalingan ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na apologetic si Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping nang talakayin ang ruling ng arbitral tribunal sa isyu ng West Philippine Sea.

 

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations, tinuligsa ni Locsin ang pahayag ni Panelo at sinabing gawa-gawa lamang ito.

 

Sa katunayan ay madalas umanong inuungkat ng Pangulo sa kada pagbisita nito sa China ang naging desisyon ng arbitral tribunal court sa The Hague pabor sa Pilipinas.


 

Kung dati aniya ay malumanay ang nilalaman ng diplomatic protest, ngayon aniya ay direkta nang pumapalag ang pamahalaan sa China.

 

Tiniyak din ng ahensya na hindi isusuko kailanman ng gobyerno ang West Philippine Sea at paninindigan nito ang independent foreign policy ng bansa.

Facebook Comments