Pagiging cat-lover ni mayor, nabisto sa isang live interview

37

Manila, Philippines – Isang mayor sa bansang Lativia, Europe ang napag-alaman na cat-lover pala.

Ito ay matapos na mag-viral ang kanyang live interview sa telebisyon kung saan ay nakita ang kanyang pusa na si ‘Muris’ na tumalon sa kanyang lamesa para lang makiinom sa kanyang tasa.

Dahil dito, pansamantalang tumigil ang mayor na si Nils Usakovs para lang titigan si ‘Muris’ na naging sentro na rin ng atensiyon ng anchor maging ng mga naka-tune in sa programa.

Ilang segundo rin ang lumipas bago tuluyang napansin ng 40-anyos na mayor na nawala na ito dahil sa ka-cute-tan ng kanyang pusa.

Bukod naman dito, makikita ring bumibida si Muris kasama ang isa pang pusa ng alkalde na si Kuzya sa kanyang social media account.
Nation”

Facebook Comments