Pagiging Emir umano ng ISIS Philippines ni ASG lider Hatib Sawadjaan – patuloy na kinukumpirma ng AFP

Hindi kinukumpirma ng Armed Forces of the Philippines na si Abu Sayyaf Group lider Hatib Sawadjaan ang bagong Emir o pinuno ng ISIS sa Pilipinas.

Ito ay kahit na kinumpirma na ito ni DILG Secretary Eduardo Año at ng Estados Unidos.

Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo patuloy na kinukumpirma ng AFP ang impormasyon.


Aniya sinuman ang maitalagang bagong Emir ng ISIS sa Pilipinas ay tinitiyak nila sa publiko na ginagawa ng AFP ang lahat para mapulbos ang ASG at ibang terrorist group.

Determinado aniya si AFP Chief of staff Gen Benjamin Madrigal Jr na tugisin ang mga terorista sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang kapabilidad.

Full force aniya ang pagtugis sa mga terorista, kasabay ng pahayag na hindi sila titigil hanggat hind nabibigyan ng hustiya ang pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan dahil sa kanilang mga terroristic activities
Samantala, nasawi na ang isa sa mga sub commander ng Abu Sayyaf Group na si Idang Susukan.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo batay na rin aniya sa kanilang mga sources.

Sa impormasyon nila mula sa kanilang mga source, napatay si Idang Susukan matapos magtamo ng malalang sugat sa nangyaring engkwentro kamakailan.

Sa ngayon aniya pinupursige nilang mahanap ang bangkay ni Susukan upang maisailalim sa DNA test para makumpirma ang totoong pagkamatay nito.

Ang pagkamatay ni Susukan kung totoo man ayon kay Arevalo ay malaking kawalan sa hanay ng ASG.

Aniya ang grupo ni Idang Susukan ay responsible sa nagaganap na pangingidnap, pamumugot at terrorist attack sa Mindanao.

Facebook Comments