Pagiging epektibo ng granular lockdown, dapat suportado ng akmang COVID-19 data – WHO

Welcome sa World Health Organization (WHO) ang pagpapatupad ng pamahalaan ng granular COVID-19 lockdown kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) sa September 8.

Ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe, bamaga’t suportado nila ang pagpapatupad ng granular lockdowns, kailangan itong suportahan ng mga akmang COVID-19 data para maging epektibo.

Kabilang na rito ang akmang detalye ng patient number, ang positivity rates at pagtukoy sa clustering ng mga kaso.


Ang pagpapatupad kasi aniya ng granular lockdowns ay magbibigay daan sa pagbubukas ng iba pang industriya at pagiging relax ng mga tao.

Maliban dito, sinabi pa ni Abeyasinghe na kailangan pang palakasin ng pamahalaan ang contact tracing dahil nananatili itong weakest link sa Pilipinas.

Facebook Comments