Pagiging epektibo ng K-12 Basic Education Program, pag aaralan muli sa Kamara

Pag-aaralan muli ng Kamara ang K -12 Basic Education Program.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, aalamin nila kung epektibo ba ito.

Ang programa ay nagbibigay sa Senior High School Students ng opsyon na kumuha ng Vocational at Technical Subjects na ihahanda sila sa kanilang magiging trabaho.


Sinabi ni Cayetano na may ilang paaralan pa rin ang kulang sa equipment partikular sa Automotive, Electrical, o Sports.

Ang Dept. of Education (DepEd) ay nakatanggap ng mataas na annual budget dahil sa funding requirement of K-12 Curriculum.

Sa susunod na taon, ay DepEd ay may 551.7 Billion pesos na budget.

Facebook Comments