Nakasalalay sa implementasyon ng pilot face-to-face classes ang pagiging epektibo ng plastic barriers sa pag-iwas sa COVID-19.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mas akma sana kung acrylic barriers ang gagamitin sa mga paaralan pero naiintindihan nila na hindi lahat ng eskwelehan ay maaring magkaroon ng ganito.
Aniya, mas mananatili pa ring pinaka-epektibo ang sapat na air ventilation, minimal capacity at physical distancing.
Kasabay nito, nilinaw ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Malcolm Garma na hindi sapilitan ang pagsusuot ng face shields sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Gayunman, importante aniya na napanatili ng mga guro at mag-aaral na nakasuot ang kanilang face mask sa loob ng tatlo hanggang limang oras na klase.