Sumampa sa .2% ang positivity rate ng Ilocos Region pagdating sa kaso ng COVID-19 ayon sa Department of Health-Center for Health Development 1.
Sa kasalukuyan, nasa 76 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon kung saan 37 dito ay mula sa Pangasinan, 16 sa Dagupan City, tig sampu sa Ilocos Norte at La Union at tatlo sa Ilocos Sur.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis, ang pagiging kampante ng ilan ang posibleng dahilan nang bahagyang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Sinabi ni Bobis, may mga indibidwal na hindi na nagsusuot ng face mask at kung nagsusuot man mali ang kanilang pagsusuot ng face mask.
Ilan pa sa dahilan ay ang mababang bilang ng mga nagpapabooster shot at pagdami ng mga indibidwal na lumalabas sa kanilang mga tahanan.
Sa ngayon aniya, hindi pa kailangang itaas sa Alert Level 2 ang rehiyon ngunit paalala ni Bobis sa publiko na sumunod sa minimum public health standards. | ifmnews
Facebook Comments