Pagiging malapit sa mga Pilipino, naging inspirasyon ng Project Nightfall para tulungan ang mga nasalanta ng Bagyong Odette

Personal na dahilan ang nagtulak sa Project Nightfall Organization para maging donor sa proyekto ng Radio Mindanao Network Foundation na Oplan Tabang for Typhoon Odette.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ng social activist at inspirational content creator ng Project Nightfall na si Sonya Mulkeet na karamihan sa kanilang team ay binubuo ng mga Pilipino at ito ang nagbigay sa kanila ng inspirasyon na tumulong.

Aniya, malaki ang kanilang utang na loob sa kanilang team dahil hindi sila makikilalang organisasyon kung wala ang mga ito.


Paliwanag naman ni Agon Hare, Founder at host ng Project Nightfall Organization na nagsimula silang maging social movement dahil na rin sa kanilang mga subscriber na walang sawang sumusuporta sa kanilang organisasyon.

Sa ikinasang Oplan Tabang for Typhoon Odette ng RMN Foundation at ng Project Nightfall Organization, umabot sa 21,645 indibidwal o katumbas ng 4,329 na pamilya ang nabigyan ng tulong sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments