Halos 1,500 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo, naitala ng DOH

55

Umabot sa 1,465 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ang naitala ng Department of Health (DOH) mula Abril 18 hanggang 24, 2022.

Ayon sa DOH, nasa 209 ang average na bilang ng bagong kaso kada araw kung saan mas mababa ito ng 12% sa mga naitalang kaso noong Abril 11 hanggang 17.

Sa mga bagong kaso, 213 ang nasawi habang wala namang naitala na nasa kritikal na kondisyon.


Hanggang nitong Abril 24 naman, 726 na indibidwal ang nasa malubha at kritikal na kalagyan ang naka-admit sa mga ospital.

Sa 2,841 ICU beds para sa COVID-19 patients, 479 ang okupado habang 4,112 sa 24,309 Non-ICU COVID-19 beds naman ang kasalukuyan ding ginagamit.

Facebook Comments